Nakitaan ng mga siyentipiko ng water vapor ang planetang Mars sa itaas na bahagi ng atmosphere nito.
Ito ay natukoy sa pamamagitan ng pag-analisa sa ilaw na dumadaloy sa Martian atmosphere gamit ang device na tinatawag na Nadir and Occultation for Mars Discovery.
Batay sa ulat ng Reuters, hindi pa dumadaloy ang tubig na maaaring natatakpan ng yelo o ng lupa.
Inaasahang mapupunta sa mga sinaunang lambak at ilog ng planeta ang tubig oras na dumaloy ito.
Batay naman sa Science Advances by two scientists sa Britain’s Open University, ilan sa mga tubig ay nagiging hamog sa pamamagitan ng hydrogen na nasa atmosphere.
Samantala,inaasahan ng mga siyentipiko na isang magandang palatandaan ito ng posibilidad na makapamuhay sa naturang planeta.—sa panulat ni Agustina Nolasco