Unti-unti nang nakikipagsabayan ang Philippine National Police (PNP) sa mga counterpart nito tulad ng AFP at Philippine Coast Guard sa pagpapalakas ng kanilang water assets.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ay matapos pasinayaan at basbasan kahapon ang mga bagong kagamitan ng PNP kabilang na ang 10 high speed watercraft units.
Ayon kay Carlos, kakayanin ng mga bagong water assets ang mas malawak na pagpapatrulya upang makadagdag puwersa sa pagtatanggol sa ating karagatan.
Ipakakalat aniya nila ang kanilang mga bagong watercraft assets sa mga border ng bansa tulad ng Zamboanga na siyang madalas gawing puslitan ng mga terrorista at iba pang bandido.
Bagaman, nakatutok aniya ang pagpapatulya ng PNP Maritime Group sa mga coastal community ay maaari na nila itong palawakin sakaling hingin ng pagkakataon. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)