Tiniyak ni dating WBO Middleweight Champion Julio Cesar Chavez Jr. na tatapusin niya sa isang knockout ang laban nila ng kapwa mehikanong boksingero na si Saul ‘Canelo’ Alvarez.
Kasunod ito ng pormal na pag-anunsyo ni Chavez na tuloy na ang kanilang bakbakan sa Mayo 6 sa T-Mobile arena Sa Las Vegas o AT&T stadium sa Texas.
Pagbibida pa ni Chavez, matitikman ni Canelo ang kanyang bangis dahil ipatitikim nya rito ang malalakas at matitinding mga kombinasyon ng kanyang mga suntok.
By: Avee Devierte