Tumitindi ang tinaguriang webcam slavery sa Pilipinas habang umuunlad ang teknolohiya dahil mas mabilis itago ang bayaran.
Ayon kay Lotta Sylwander, Direktor ng United Nations Children’s Fund o UNICEF dito sa Pilipinas, pabata rin nang pabata ang mga biktima na kung minsan ay itinutulak pa ng kanilang sariling pamilya.
Mayroon anyang paniniwala ang pamilya ng mga batang pinaghuhubad sa harap ng webcam ay hindi krimen at hindi masama dahil hindi naman sila nahahawakan ng kanilang kliyente.
Batay sa datos, isandaang (100) dolyar kada palabas ang kinikita sa pagpapahubad ng mga bata sa harap ng webcam.
—-