Na-hack ang website ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Makikita ngayon sa kanilang website ang napakaraming Chinese advertisements.
Nangyari ang insidente ilang araw matapos i-deactivate dahil madali itong mabiktima ng cyber-attack.
Gayunman, tiniyak ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, na walang mga sensitbong impormasyon ang nakompromiso.
Magugunitang ilang website na ng mga ahensya ng gobyerno ang nabiktima ng cyber-attack kung saan sinasabing ang pinakamalaking insidente nito ay ang pagkaka-hack sa website ng Commission on Elections o COMELEC bago ang 2016 national election.
Nalantad dito ang personal na impormasyon ng mahigit limangpo’t apat (54) na rehistradong botante.