Pinasok ng mga hacker ang website ng Japanese pharmaceutical firm na Shionogi and company.
Sa pahayag ng kumpanya, sinabi nito na nagkaroon ng data breach at nakuha rin ang ilang mga impormasyon sa website ng kanilang Taiwanese subsidiary.
Pero giit ng kumpanya, wala namang detalye o impormasyong nakuha na may kaugnayan sa kanilang ginagawang bakuna kontra COVID-19.
Sa ngayon, ay patuloy na gumugulong ang imbestigasyon ng kumpanya sa naganap na cyber attack at gumagawa na rin ng hakbang para lalo pang paigtingin ang seguridad ng kanilang website.