Inatake ng mga hackers ang website ng National Telecommunications Commission o NTC.
Ito’y bilang protesta ng nagpakilalang cyber army dahil sa mga napakong pangako upang mapabuti ang sistema ng internet sa bansa.
Sa mensahe ng Anonymous Philippines, isinasaad na patuloy na naghihirap ang bansa dahil sa napakabagal ngunit napakamahal na internet service sa buong mundo.
Binatikos din ng grupo ang data capping sa mga unlimited data plans na nagsisilbing parusa sa mga gumagamit ng internet.
Iginiit din ng mga hackers sa NTC gayundin sa mga telcos na maging patas sa pagpapataw ng singil gayundin sa pagbibigay serbisyo sa kanilang mga costumer.
By Jaymark Dagala