Naglunsad ang mababang kapulungan ng kongreso ng isang website kung saan makikita ang mga impormasyon at update sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang bagong website address na inilunsad ay ang www.sona2021.ph
Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, makikita rin sa naturang website ang mga ilalathalang legislative accomplishments ng administrasyon.
Maliban dito, makikita rin ang legislative performance report ng house at mga piling talumpati ng ilang miyembro ng 18th Congress na pinag-sama-sama sa isang librong pinamagatang “In the name of the People”.
Isang pre-SONA tribute campaign din ang mapapanuod sa website na may pinamagatang “Sa lahat ng pagbabago, salamat Pangulo”.