Inihahanda na ng Commission on Elections ang website para sa e-rallies ng mga kandidato.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, dito ay pwedeng magsagawa ng livestream ang mga kandidato para limitahan ang in-person campaign events.
Aniya, isasagawa ito tuwing gabi kung saan bibigyan ang bawat kandidato ng assigned time slot para mangampanya.
Sa pamamagitan ng livestream, pwedeng kausapin ng mga kandidato ang kanilang mga supporters at ilatag ang kanilang mga plataporma.
Nakatakda itong isagawa sa Pebrero 8, 2022 kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa halalan 2022. –Sa panulat ni Abie Aliño