Lilimitahan ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang biyahe ng mga delivery truck sa mga all
Ito’y para makatulong maibsan ang nararanasang matinding trapiko sa Metro Manila mapa weekdays man o weekends
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, maaari lamang makabiyahe ang mga delivery truck mula alas 11:00 ng hatinggabi hanggang ala 5:00 ng madaling araw lamang
Kasunod nito, sinabi rin ni Orbos na kanila ring itutuloy ang pagbabawal sa pagdaraos ng sale ng mga shopping malls tuwing weekdays.
Ipatutupad anya ang “No Weekend Sale” ng isang buong taon upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
By: Jaymark Dagala