Hindi makukumpleto ang weekend getaway sa Tagaytay kung hindi mae-experience ang chill at wind ng SMDC Strip at Wind Residences.
Ang SMDC Strip at Wind Residences, na matatagpuan sa Tagaytay-Nasugbu highway ay isang magandang lugar para sa mga nais na magpunta.
Ang Chill at Wind ay mayroong unique outdoor dining at entertainment experience para sa mga residente at mga bisita.
Bawat linggo, ang Chill at Wind ay may iba’t ibang ino-offer na Asian snacks, Filipino comfort food, empanada, ramen, grilled pork at barbeques na pwedeng-pwedeng isabay sa mga refreshing drinks na may natural fruit flavors.
Bukod dito, mayroon ding iba’t ibang desserts na maaaring pagpilian tulad ng cotton candies, ice cream, waffles, at iba pa.
Makikita rin sa bawat SMDC wind tower ang mga kainan tulad ng Pizza Hut, Island Tea Co. at Dairy Queen.
Mayroon ding home essentials at convenience stores tulad ng Ace Hardware at 7/11.
Kung gusto namang mag-relax at magpaganda mayroon ding Posh Nail at Nuat Thai.
Bukas naman ang BDO para sa banking needs.
Maliban dito, welcome rin ang mga bisita ng chill at wind na maki-jamming sa acoustic performers kasama ang mga pamilya at kaibigan.
Para sa mga mahilig sa iba pang aktibidad, ang top offroad Philippines ay mayroon ding iba’t ibang rides at equipment para sa mga mahilig sa offroad adventures.
Para sa mga nais magtungo sa Tagaytay, i-follow lamang ang Facebook page na www.facebook.com/smdcthestrips para sa iba pang announcement at schedule sa chill at wind exhibit at performances.
Shop, meet, dine and celebrate here with us at the strip at wind.
previous post