Asahan ang maulang Sabado bukas.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ito ay dahil sa epekto pa rin ng papalabas ng bagyong Paolo at umiiral na Low Pressure Area o LPA sa hilagang silangan ng Palawan.
Ipinabatid ng PAGASA na inaasahang sa linggo pa tuluyang gaganda ang lagay ng panahon sa bansa kung saan nakatakdang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Batay sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 870 kilometro silangan ng Tuguegarao habang ang isa pang sama ng panahon sa nasa kanlurang bahagi ng Coron, Palawan.
—-