Magpapatuloy na ang scheduled weekend shutdown ng MRT-3 sa magkasunod na weekend.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, isasagawa sa ika-14 at 15 ng Nobyembre at ika-28 hanggang ika-30 ng Nobyembre ang massive rehabilitation and maintenance sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo Mitsubishi Heavy Industries.
Magpapatupad din ang pamunuan ng rail line ng temporary shutdown sa operasyon ng mga tren nito sa mga naturang petsa para bigyang daan ang gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue Station ng Sumitomo-MHI-TESP.
Magugunitang pansamantalang iniurong ang weekend shutdown noong ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre bilang pag-iingat sa pagtama ng Bagyong Rolly.
Bahagi ng gagawing bushing replacement ng 34.5 kilovolt alternating current switch gear ay ang pagsasaayos ng bus tie na nagbibigay ng suplay ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.
Sa kabilang bansa, itutuloy din ang pagsasaayos at pagpapalit ng 2A at 2B turn outs sections sa Taft Avenue Station.
Ang mga turnouts ay ginagamit para makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.