Muling ititigil ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 ang kanilang operasyon epektibo ngayong araw hanggang sa Lunes, Nobyembre 30.
Ayon sa pamunuan ng MRT line 3, ito’y upang ipagpatuloy ang kanilang rehabilitation at maintenance efforts sa nasabing linya.
Kabilang sa mga gagawin ay ang pagsasaayos sa turnout upang makalipat ang isang tren mula sa isang riles patungo sa ibang riles.
Target ng MRT line 3 na maibalik na sa dating 60 kilometers per hour ang bilis ng takbo ng kanilang mga tren sa sandaling ganap nang maisaayos ang buong linya nito.