Makakaranas ng katamtamang pag-ulan at pulu- pulong pagkidlat sa mga isla ng Batanes, Cagayan at Babuyan ngayong araw na ito.
Ito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay epekto ng trough extension ng Low pressure Area (LPA).
Samantala, ipinabatid ng PAGASA na posibleng pumalo sa 40 degrees celsius ang heat index o antas ng init ng nararamdaman ng tao sa Metro Manila ngayong araw na ito.
Sinabi ng PAGASA na bukas, Linggo at sa Lunes ay posibleng bumaba ito sa 39 degrees celsius at 38.9 degrees celsius sa Martes.
Kalagitnaan pa ng Hunyo ay inaasahan ang pagsisimula ng tag-ulan.
By Judith Larino