Makakaranas ng maulap na papawirin at bahagyang pag-ulan ang Palawan, Batanes, Calayan at Babuyan Islands.
Ito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay dulot na rin ng Low Pressure Area (LPA) na dating ang bagyong Lando na nasa mahigit 700 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap na papawirin na may pagkulog lalo na sa hapon o gabi.
By Judith Larino