Sumampa sa 6.8% ang weekly COVID-19 positivity rate sa bansa.
Ayon sa Department of Health, 91% na o mayorya ng mga probinsya, highly urbanized cities at independent component cities na ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso sa mga nakalipas na linggo.
Sa lahat ng mga rehiyon, anim ang nakapagtala ng positivity rates na lampas na sa itinatakdang 5% threshold ng World Health Organization.
Ang mga ito ay ang Metro Manila, 9.3%; CALABARZON, 8.4%; Western Visayas, 7.1%; MIMAROPA, 6.4%; CAR, 5.5% at Central Luzon, 5.4%.
Sa kabila nito, nananatiling mababa ang Healthcare Utilization Rates at hindi naman humahantong sa severe at critical COVID-19 admissions ang pagtaas ng mga kaso sa mga rehiyon.
Kahit tumataas ang infections, lahat ng rehiyon ay nananatili sa low risk classification maging ang Average Daily Attack Rates at Healthcare Utilization Rates.