Nagsumite ng panukalang batas si Senate President Franklin Drilon na nag-uutos para sa weighted average increase na 45 percent sa kabuuang kompensasyon sa mga kawani ng gobyerno sa loob ng 4 na taon.
Layon nitong mahikayat ang mga kasalukuyang nagtatrabaho sa pamahalaan na manatili sa kanilang mga serbisyo at mailapit ang sahod ng mga kawani ng gobyerno sa suweldong tinatanggap ng mga manggagawa sa pribadong sector.
Tinatayang aabot sa mahigit 228 bilyong piso ang kakailanganing pondo sa loob ng 4 na taon.
Bukod sa umento sa buwanang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, nakasaad din sa Senate Bill 3009 ang mas pinainam na set ng mga benepisyo at allowances tulad ng 14th month pay, mid-year bonus at enhanced performance bonus na katumbas ng doble sa buwanang sahod.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)