Pinag-uusapan na ng Department of Education at Samahan ng Weightlifting ng Pilipinas na maisama ang sports na weightlifting sa Palarong Pambansa.
Ayon kay education undersecretary Revsee Escobedo, mayroon nang proposal ang SWP noong preparasyon ng 2020 Palarong Pambansa na maisama ang nasabing sports, pero naantala ito dahil sa pandemya.
Sa isang forum naman, muling inihirit ng SWP sa DepEd na maisama ito sa nasabing palaro.
Ayon sa SWP, maraming bata ang may potensyal sa pampalakasan at marami ring ang katulad ni olympics gold medalist Hidilyn Diaz.—sa panulat ni Rex Espiritu