Welcome sa Pilipinas ang G7 Ise-Shima Leaders’ declaration na inisyu matapos ang naganap na G7 Summit sa Ise-Shima sa Japan.
Layon ng nasabing deklarasyon na tutukan ang malaking hamon sa usaping pang-ekonomiya at pulitikal sa buong mundo kabilang na ang maritime security.
Ayon sa Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, sakop ng kasunduan ang pagpapanatili ng mapayapang paraan upang maresolba ang mga alitan sa teritoryo partikular sa bahagi ng South China Sea.
Naniniwala ang DFA na ang aksyong ito ng G7 ay sumasalamin sa pang-unawa at pagsuporta nila sa prinsipyo ng Pilipinas na tumalima sa batas upang maresolba ang alitan sa West Philippines Sea.
Kasabay nito, binigyang-diin ng Pilipinas na irerespeto nito ang anumang maging resulta ng isinampang kaso ng bansa laban sa China sa United Nations Arbitral Tribunal.
By: Avee Devierte