Nagkalat ngayon ang mga nakasabit na tarpaulin na may nakalagay na “Welcome to the Philippines, Province of China”.
Viral ngayon sa social media ang naturang mga tarp na naispatang nakasabit sa mga foot bridge sa Quezon City.
Sa harap ito ng anibersaryo ng pagka-panalo ng Pilipinas sa Arbitral ruling kontra China hinggil sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Pangunahing reaksyon ng mga nakakita nito ay ang pagkainis sa naturang tarp na hiling nila ay matanggal na agad ng MMDA o ng lokal na pamahalaan.
TINGNAN:
Airport Police, tinatanggal ang tarpaulin na may nakalagay na ‘Welcome to the Philippines, Province of China’ | via @raoulesperas pic.twitter.com/11WsXOBwh2— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 12, 2018
Matatandaang sa talumpati noong Pebrero ni Pangulong Duterte, nagbiro itong maaaring gawin ng China na kanilang probinsya ang Pilipinas.
—-