Binawian ng buhay ang isang welder matapos mahulog sa ikalawang palapag ng isang tahanan sa Tondo, Manila, habang nagtratrabaho.
Kinilala ang biktimang si Noli Villafuerte, 50 taong gulang at residente ng Parola Compound sa Binondo, Manila.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), nagkukumpuni si Villafuerte ng bintana ng isang bahay sa 655 Claro M. Recto Avenue, dakong alas dose ng tanghali noong Lunes, nang biglang bumigay ang tinutungtungan nitong makeshift platform.
Dahil dito, nahulog ang biktima sa semento at nagtamo ng pinsala sa ulo at binti.
Nasaksihan ng kasamahan nitong si Rey Ballena ang insidente kaya agad na naisugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.