Isinusulong sa House of Representatives ang panukalang wellness break ng mga manggagawa at mga estudyante.
Sa inihaing House Bill 7400 ni Agbiag Party-list Representative Michelle Antonio, iginiit nito ang pagkakaroon ng libreng araw ng mga empleyado at mag-aaral para ire-assess ang kanilang mga mental well-being o lagay ng pag-iisp sa tulong ng mga propesyunal.
Ayon kay Antonio, tatlong araw na wellness break ang kanyang panukala para sa mga empleyado habang dapat i-avail naman ng mga estudyante ito tuwing regular class days at hindi sa araw ng exams.
Binigyang diin pa ni Antonio na mahalagang maging bukas na mapag-usapan ang mental well-being para mabigyan na rin ng tulong ang mga nakakaroon ng problema rito.
Sakaling maging batas, pagmumultahin ng isangdaang libong piso (P100,000) at maaari pang makulong nang hanggang anim na buwan ang mga lalabag na kumpanya, employers at school officials.
—-