Inihayag ng SM Foundation Inc. na layon ng Felicidad T. Sy Wellness Centers na magbigay ng therapeutic environment o nakapagpapasayang ambience sa loob ng mga government hospitals o health centers.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SMFI Health and Medical Programs Executive Director Ms. Connie Angeles na inumpisahan nila ito sa mga neonatal wards at Intensive Care Units (ICU) para hindi matakot ang mga bata.
”takot sila e, takot silang magpacheck-up hindi sila comfortable dahil puti yung mga atmosphere, puti yung mga dingding, puti ang mga doctor..na nakasuot ng puti, so takot sila naisip tuloy namin na gawing makulay at magkaroon therapeutic o nakakapagpasayang ambiance ang mga ospital inumpisahan namin ito simula pediatric ward, sa mga neonatal intensive care units ng sa ganon para bang maging masaya yung mga bata kapag nagpapacheck-up sila at palagi nilang nilo-look forward ang pagpunta doon sa mga centers na ito” — SMFI Health and Medical Programs, executive director Ms. Connie Angeles
Sinabi naman ni SMFI Health Center Projects Senior Project Manager Mr. Albert Uy na umiikot sila para maghanap ng mga pasilidad na maaaring maging benepisyaryo ng Wellness Center.
”ang SM Foundation po ay umiikot sir, umiikot po tayo para makita natin yung mga rightful beneficiaries po na pwede natin tulungan na mga facilities po, itong mga health facilities po na ito ay mga random po o yung mga luma pong facilities pero patuloy po nilang ginagamit…kumbaga kahit po ganoon yung kondisyon ay ginagamit pa rin po nila para po makapagbigay ng serbisyo..tinutulungan po natin sila para kahit papaano yung serbisyong ibinibigay nila ay maayos naman po…” — SMFI Senior Project Manager Mr. Albert Uy.
Bukod aniya sa pagsasaayos ng mga health facilities ay nagbibigay din ng gamit ang SMFI tulad ng basic medical equipment.
”maliban po sa pagsasaayos ng health facilities natin ang SM Foundation po ay nagbibigay rin ng mga kinakailangang gamit sa loob po ng health center kasama po rito yung appliances, nagbibigay rin po tayo ng mga furnitures at ang importante po ay nabibigyan natin sila ng basic medical equipment para po ‘pag nagbigay sila ng serbisyo sa komunidad ay mabigay po nila ng todo-todo” — SMFI Senior Project Manager Mr. Albert Uy.