Handa na si dating Cruiserweight Champion Enzo Maccarinelli na sumabak sa isang world title match matapos pabagsakin si dating Heavyweight Champion Roy Jones Junior.
Ayon kay Maccarineli, maging siya ay nabigla nang kanyang ma-knock out si Jones sa Round 4 ng kanilang laban sa Moscow, Russia.
Aminado ang 35-anyos na si Enzo na isang malaking karangalan para sa kanya na makalaban at pabagsakin ang isa sa mga pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan.
Naramdaman din ni Maccarinelli ang pressure na makasagupa si Jones sa Russia lalo’t kamakailan lamang ay naging Russian citizen ito sa tulong ni President Vladimir Putin.
Handa rin anya siya na maka-rematch ang 45-anyos na American-Russian boxer kung nanaisin nito.
By Drew Nacino