Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang West Coast ng Nicaragua.
Ayon sa US Geological survey, naitala ang lindol sa layong 78 kilometers ng southwest ng Jiguilillo.
Naramdaman ang pagyanig sa Western Chinandega Department, Esteli at Matagalpa.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang pacific tsunami warning center.
At ayon sa Nicaraguan government ay walang naiulat na napinsala o nasugatan sa naganap na lindol. — sa panulat ni Hya Ludivico.