Sinasabing strategic ang lokasyon ng West Philippine Sea para sa Chinese submarines.
Ayon kay US Security Specialist Carl Thayer, libu-libong metro ang sea floor ng West Philippine Sea at posible itong gawing taguan ng ballistic missiles nang hindi madidiskubre.
Sinabi pa ni Thayer na maraming bansa na rin ang kaagad posibleng abutin ng Chinese submarines dahil mapapaikli ng China ang distansya at travel time nito laban sa posibleng kaaway.
Samantala, nababahala naman ang Estados Unidos sa ibinunyag ni Thayer.
Sinabi ni Northern Command Commander Admiral William Gortney na mahigpit nilang binabantayan ang mga aktibidad ng China sa nasabing karagatan dahil posibleng bumuo ito ng teknolohiyang magpapaabot ng nuclear weapons mula West Philippine Sea patungong Amerika .
By Judith Larino | Kevyn Reyes