Magkakaroon na ng libreng wifi sa bahagi ng West Philippine Sea.
Kasunod ito ng paglulunsad ng free wifi for all program ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Pag-Asa Island sa Kalayaan Group of Islands.
Ayon kay Ana Rhea Bania, Officer in Charge for Tourism ng Munisipalidad ng Kalayaan, malaki ang magiging tulong ng libreng wifi sa kanilang lugar, lalu’t ito ang maituturing na pinakamalayong munisipalidad sa bansa.
Aniya, makatitipid na ang mga residente ng Pag-Asa island na gumagastos ng halos 300 piso kada araw o katumbas ng 9,000 piso kada buwan para sa internet connection.
Ang free wifi for all ay bahagi ng programa ng DICT na naglalayong mabigyan ng libre at maaasahang internet connection ang iba’t ibang lugar sa buong bansa.