Nagbitiw na sa puwesto ang alkalde ng West Virginia na si Beverly Whaling matapos ang racist remarks nito laban kay US First Lady Michelle Obama.
Ito ay matapos tawaging unggoy na naka-heels ni Whaling si Obama.
Ipinahayag ito ni Whaling sa pamamagitan ng kanyang Facebook account matapos maideklarang nanalo sa eleksyon si Republican standard bearer Donald Trump.
Dahil dito, kumalat ang naturang komento ni Whaling laban sa US First Lady at umani ng negatibong impresyon.
Sa huli nagbitiw sa puwesto at humingi ng paumanhin si Whaling at iginiit na hindi niya layong maging racist sa naturang pahayag.
By Ralph Obina