Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga naulila ni B/Gen. Bagnus Gaerlan Jr.
Nasawi si Gen. Gaerlan sa Zamboanga del Sur Medical Center sanhi ng acute respiratory failure dulot ng kumplikasyon ng COVID-19 .
Ayon kay WESMINCOM Spokesperson, Maj. Alfie Alonzo, hindi matatawaran ang dedikasyon ni Gaerlan bilang Deputy Commander ng Army’s 1st Infantry Division.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pakikiramay si MGen. Ernesto Torres, ang Chapter president ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 kung saan kabilang si Gaerlan.
Samantala, iniulat naman ni AFP Spokesman, Col. Ramon Zagala na nasa 17,133 na ang mga sundalong tinamaan ng COVID 19.
1,323 rito ang aktibong kaso habang 15, 244 ang bilang ng mga gumaling sa sakit at nasa 36 naman ang mga nasawi. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)