Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Western Texas.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre (EMSC), natunton ito sa layong 45 kilometro mula sa bayan ng Pecos.
May lalim ang lindol na dalawang kilometro o katumbas ng 1.24 miles.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na ibang impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa malakas na pagyanig.