Nakapagtala ng 34 na bagong recoveries at 19 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Western Visayas.
Ayon kay Dr. Marie Jocelyn Te, tagapagsalita ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development, ito’y ibinatay sa halos 7600 laboratory results mula sa tatlong testing centers sa rehiyon.
Kabilang sa mga gumaling ay ang 24 na locally stranded individuals, walong repatriated Overseas Filipino Workers at isang Authorized Person Outside of Residence o APOR.
Samantala, muling nanawagan sa publiko si Te na huwag lalabas ng bahay nang walang suot na facemask, dumistansya ng isang metro sa isa’t isa at alamin ang totoong impormasyon tungkol sa pandemya.