Makababalik na sa kanilang mga probinsiya ang mga residente ng Region 6 na na-stranded sa Luzon matapos ang ipatupad ang community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ay matapos payagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng 221 units ng mga provincial buses patungo sa tatlong destinasyon.
Kabilang sa mga binuksang ruta ang patungong Aklan, Iloilo at Capiz sa Western Visayas.
Ayon sa LTFRB, magmumula ang biyahe ang mga naturang bus sa Sta. Rosa, Laguna Integrated Terminal.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga bibiyahe at kumpanya ng bus hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng health protols sa mga pampublikong transportasyon.