Nagpasalamat sa kanilang Filipino fans ang Irish boyband na Westlife.
Ito ay dahil sold-out agad ang kanilang concert ticket para sa kanilang “Wild Dreams Tour” sa loob lamang ng dalawang araw.
Pinasalamatan ng banda ang Pinoy fans sa kanilang Twitter account matapos maubos ang ticket sa kanilang concert na gaganapin next year sa Araneta Coliseum.
Matatandan na huling bumisita ang grupo noong 2019 sa kanilang Two-Night “The Twenty Tour” concert na ginanap rin sa Araneta kasabay ng kanilang 20th anniversary sa industriya.