Ipinauubaya na ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa national government ang pakikipag-usap sa Chinese government kaugnay ng patuloy na pagpasok ng kanilang barkong pandigma sa teritoryo ng Pilipinas nang walang paalam.
Ayon kay WestMinCom Chief Lt. General Cirilito Sobejana, nagawa na ng western command ang kanilang obligasyon nang lapitan nila at subukang kausapin ang mga sakay ng Chinese warship.
Sinabi ni Sobejana na bagamat hindi sinasagot ng Chinese warship ang kanilang mga tawag kusang loob naman itong lumayo at lumabas ng teritoryo ng Pilipinas nang lapitan ng puwersa ng Wesmincom.
Iginiit ni Sobejana na dapat ay nagpapaalam ang Chinese warship na pumapasok sa karagatang sakop na ng Pilipinas.
Una nang namataan ang mga Chinese warships na ilang beses nang pumasok sa Sibutu strait sa Tawi-Tawi nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga otoridad.
Ang ginawa ko as area commander that covers itong territorial waters natin, I submitted my special report to higher head quarters. Itong report na ‘to magagamit ng ating national leaders in their engagement with the Chinese government there in Metro Manila. So, this is more of a diplomatic approach rather than military actions,” ani Sobejana.
Ratsada Balita Interview