Kinalma ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) ang mga residente sa Lanao Del Sur at mga katabing lugar na manatiling kalmado sa gitna ng operasyon ng militar laban sa mga miyembro ng Daulah Islamiyah – Maute Terrorist Group.
Ayon WESTMINCOM Spokesperson Maj Andrew Linao, surgical operation lamang ang kanilang ginawa para walang madamay na sibilyan.
Nasa 12 bomba ang pinakawalan kahapon sa precision air strike ng mga eroplano ng Philippine Air Force laban sa grupo ng tinatayang apat na pung terorista.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pagtugis ng nga tropa sa mga nalalabing miyembro ng grupo na pinamumunuan ng top leader na si Faharudin Hadji Satar alyas Abu Zacariah. —sa panulat ni Abby Malanday