May persons of interest na ang Western Mindanao Command (WestMinCom) sa pagdukot sa mag-asawang Briton at Pilipina sa Tukuran, Zamboanga Del Sur.
Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, hepe ng WestMinCom, may mga vina-validate na silang grupo na posibleng dumukot kina Allan Hyron at asawa nitong si Wilma.
Nakikipagtulungan na rin anya sa WestMinCom ang pamahalaang panlalawigan at iba pang law enforcers sa rehiyon.
Batay anya sa paunang impormasyon, 48 oras na naka-check in sa beach resort ng mag-asawang Hyron ang mga kidnappers.
Bagamat merong posibilidad na kagagawan ito ng Abu Sayyaf, hindi inaalis ni Sobejana ang anggulo na paghihiganti ng mga natanggal na empleyado ang dahilan ng pagdukot sa mag-asawa.
Since the abduction, relentless po yung ating search and rescue operations, walang recorded Abu Sayyaf presence sa area, kaya hindi pa rin talaga natin maconclude na mga Abu Sayyaf ang responsable at wala pa rin tayo or ‘yung pamilya na natatanggap na demand letter, so, hindi talaga natin matiyak pa — meron tayong tinitingnang anngulo at tuloy-tuloy nating ivavalidate ito,” ani Sobejana. — sa panayam ng Ratsada Balita