Aatasan ng Department of Finance (DOF) ang local government units (LGUs) na huwag singilin ng buwis ang mga naka work from home.
Ito ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tionko ay matapos nilang mabatid na marami sa mga employer ang nagkakaltas pa rin ng buwis sa mga empleyado nilang nagtatrabaho sa bahay.
Ang dapat aniyang buwisan ay ang kumpanyang gumagawa ng trabaho at negosyo at hindi ang mga empleyadong nagtatrabaho sa kanilang bahay.