Uubrang i-reimburse ng mga empleyado ng gobyerno ang gastos nila sa internet connection matapos mag work from home dahil sa pandemya.
Ipinabatid ito ni Budget Secretary Wendel Avisado matapos tukuyin ang nakasaad sa kanilang circular na maaaring ibalik ang P75.00 hanggang P300.00 kada buwan na gastos sa internet ng mga government employee na naka work from home.
Kailangan lamang aniyang magsumite ng mga kinakailangang dokumento ang mga regular, casual at contractural workers para maibalik sa kanila ng gobyerno ang gastos sa internet.