Apat hanggang anim na Business Process Outsourcing (BPO) companies ang handang talikuran ang fiscal incentives o tax perks mula sa gobyerno kapalit ang work-from-home (WFH) arrangement.
Inihayag ni Alliance of Call Center Workers (ACCW) Co-Convenor Lara Melencio na mas pipiliin ng mga naturang kumpanyana mawala ang kanilang insentibo sa buwis sa halip na pilitin ang kanilang mga empleyado na magbalik-opisina.
Ayon kay Melencio, kahit mawala ang tax perks ay matatamasa pa rin naman ng mga BPO employee ang kaparehong sweldo at insentibo.
Una nang ipinag-utos ng gobyerno sa mga kompanya, lalo sa mga BPO firm na ibalik na ang kanilang operasyon sa economic zones at information technology parks kung saan nakarehistro ang kanilang mga negosyo.
Ito’y bilang bahagi ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.