Pinaplantsa na ng White House (WH) ang panibagong pagpupulong sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean (NoKor) Leader Kim Jong Un.
Ayon kay Trump, mismong si Kim ang humingi ng naturang pagpupulong sa pamamagitan ng sulat na ipinadala nito.
Inatasan na ni Trump si US Secretary of State Mike Pompeo na ayusin ang kanilang muling paghaharap.
Una nang nagkaharap ang dalawang lider nuong Hunyo kung saan nangako ang NoKor na ipahihinto na ang nuclear program nito.