Nakapagtala ng bagong record pero bigong maagaw ang puwesto para sa ginto.
Isang achievement pa rin para kay wheelchair racer Jerrold Mangliwan ang pagkakaroon ng bagong record sa Men’s 1500-m-t52 finals sa 2020 Tokyo Paralympics nitong linggo.
Natapos niya ang karera sa loob lamang ng 3:58.24, higit sampung segundong mas mabilis sa nakaraan nitong record na 4:09.95.
Ngunit bigo pa rin itong masungkit ang ginto laban sa hapon na si Sato Tomoki na nakapag-set ng paralympic record na 3:29.13.
Samantalang ang nakasungkit naman ng silver ay si American Raymond Martin sa oras na 3:29.72.
Ngunit hindi pa huli ang lahat para kay Mangliwan dahil sasabak pa siya sa Men’s 100-meter event ng patimpalak.—sa panulat ni Angelo Baino