Special treat para sa mga kababaihan!
Tuluy-tuloy ang pagdiriwang ng Women’s Month sa SM Megamall.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng SM Megamall ng “Feast on Beauty”, ang kauna unahang collaboration ng food and beauty brand experience sa Pilipinas kung saan mabibili mula March 6 hanggang 19, ang unique, one of a kind at special edition products mula sa piling iconic at Evergreen brands.
Kabilang dito ang new twist ng Estee Lauder x Salon De The’s Double Wear Macaroons na nagbibigay ng naturale look sa pamamagitan ng nude colors nito at kapag bumili ng isang box, feeling nasa Paris na kayo sa loob lamang ng SM Megamall.
Sanib-puwersa naman ang Origins at Satchmi para sa refreshing drinks na good for the skin sa pamamagitan ng ginzing energizing gel cream with caffeine and niacinamide ng origin at house blend iced tea at coffee latte ng Satchmi.
Mas pinaganda ang brighthening serum ng clinique dahil sa soft serve ice cream in a waffle cone na mabibili sa The Lost Bread.
Cool for summer talaga dahil ang hair, body at skin care brand na Aveda ay may hatid na refreshing project pop shake ice pop na dairy free at vegan friendly.
Para sa yogurt lovers, avail na sa limited edition yogurt mula sa the body shop at Blk 153.
Hindi pupuwedeng palampasin ang orange collagen yogurt ng Koomi at Innisfree’s bukod sa iba pang #guiltlessgoodness treats tulad ng brigthening pore serum, green tea seed serum at retinol cica repair ampoule para sa glowing skin.
Maghanda sa masasarap na vegan treats mula sa Cupcakes by Sonja’s inspired by Lush at I-check ang booth nila for more of their concoctions.
Ito naman ang kakaibang limited edition donuts na inspired by natural skin care and wellness brand sa pamamagitan ng collaboration ng pili ani at sunday bake.
Hindi naman papahuli ang refreshing drinks ng nineteen degrees at inspired sa Italy’s number one make up brand na Kiko Milano.
So ano pa ang hinihintay mo gurl?
Sugod na sa Mega Fashion Hall ng SM Megamall para mapasakamay ang amazing products na ito sa “feast on beauty” booths.
Before heading to Mega, siguraduhin munang mabisita ang kanilang website at i-follow sa social media ang @smsupermalls para updated sa beauty and dining deal, dito lamang sa SM.
Paalala ng SM, gamitin ang hashtag: #MegaFeastOnBeauty