Ipadadala sa space sa susunod na buwan ang mga whisky mula sa Japan.
Ito ay upang ma-test ang mga whisky kung may epekto sa lasa ang pagpapatagal sa mga whisky na nasa zero gravity environment.
Tatagal ang eksperimentong ito ng isang taon kung saan ilalagay sa Japanese laboratory facility ng international space station ang naturang mga whiskey.
Naniniwala ang researchers na ang pag-iimbak sa isang lugar na mayroon lamang kaunting pagbabago sa temperatura at limitado ang paggalaw ng mga bagay ay maaaring mas makapagpasarap sa lasa ng whisky.
Kabilang sa mga whisky na ipadadala sa space ay may edad nang 10 taon, 18, at 21.
By Ralph Obina