Kalimitan ay umiiwas ang ibang tao sa mga inuming may alcohol dahil kung masosobrahan ay magdudulot ito ng masamang epekto sa pangangatawan at maaari ring magresulta sa isang sakit. Ngunit sa Ohio, USA, isang centenarian ang nagsabi na ang alak daw ay nakatulong sa pagpapahaba sa kaniyang buhay!
Ang buong kwento, alamin.
Sa isang nakatutuwang kuwento, nitong december 16 ay nagdiwang ng kaniyang 106th birthday si Florence Hackman na binansagang “Fireball Flo” dahil mahilig pala ito sa fireball whisky!
Kasalukuyang naninirahan si Flo sa isang assisted living community sa Ohio, USA na Traditions of Deerland sa Loveland.
At kahit lagpas isandaan na ang edad ni Flo, nanatili pa rin siyang aktibo pati na rin ang kaniyang mga kaibigan sa pagsali sa happy hour sa kanilang tinitirhan.
Pati na rin sa paglalaro ng bingo at iba pang activities ay hindi nawawala si Flo.
At para masagot ang tanong kung bakit humaba nang ganoon ang buhay ni Flo? Ito ay dahil sa pagiging positibo at masiyahin niya. Higit sa lahat, sinabi niya rin na ang paborito niya inumin na whisky ay malaki ang tulong para umabot siya sa ganitong edad.
Sa katunayan, sa pagdiriwang ni Flo ng kaniyang 105th birthday ay niregaluhan siya ng manufacturer ng fireball cinnamon whisky!
Si Flo ay nabyuda nang pumanaw ang kaniyang husband of 71 years noong 2011 at nagkaroon ng maraming anak na siya namang nagbigay din sa kaniya ng maraming apo at apo sa tuhod.
Gayunpaman, hindi na kataka-taka na nakatuntong sa edad na 106 si Flo dahil nananalaytay na pala ito sa kaniyang dugo! Ayon kay Flo, ang kaniya raw nanay ay umabot din noon sa edad na 104!
Ikaw, nais mo rin bang mag-celebrate ng birthday ng hanggang sa 106 years old?