Bagamat itinuturing ng Senate Blue Ribbon Committee na whistleblower sa AFP chopper anomaly ang empleyado ng Bureau of Internal Revenue na si Rhodora Alvarez, isasailalim pa rin ito sa evaluation.
Ayon kay Sen. JV Ejercito, ito ang rason kung bakit inatasan nila si Alvarez na magsumite ng sworn affidavit sa senado para pangatawanan ang kanyang mga naging alegasyon laban sa ilang defense at military officials.
Kabilang si Ejercito sa nagdududa sa sinasabi ni Alvarez na dahilan bakit siya tumulong o nag-effort na matuloy pa rin ang deal sa pagbili ng chopper.
May impresyon kasi na baka nagkaroon ng relasyon si Alvarez kay Tak Yuen, ang Vietnamese na unang kumatawan sa kumpanya na nakipag-deal sa dnd para sa pagbili ng chopper.
Pero nang hindi na naging maganda ang pagtrato ng DND kay Tak Yuen ay si Alvarez na lang ang nakipag-usap sa mga taga-DND para lang matuloy ang pagbili ng chopper.
By Cely Ortega-Bueno / Meann Tanbio