Nagpahayag na rin ng interes si whistleblower Sandra Cam na tumakbong senador sa 2016 elections.
Inanunsyo ito ni Cam sa selebrasyon ng kanyang ika-55 kaarawan sa Maynila kagabi.
Aniya, umabot ng dalawang buwan bago siya tuluyang nakapagdesisyon na sumabak sa senatorial race.
Si Cam ay presidente ng Whistleblowers Association of the Philippines.
By Meann Tanbio