Hinamon ng Commission on Elections (COMELEC) ang whistleblowers sa umano’y dayaan sa nakaraang eleksyon na maglabas ng ebidensya.
Ayon kay Commissioner Luie Tito Guia, kailangang suportahan ng mga ito ng ebidensya ang sinasabing manipulasyon sa resulta ng eleksyon, lalo na sa pagka-Bise Presidente.
Sinabi ni Guia na kailangan din patunayan ng mga ito na ang pagkakaroon ng undervotes ay indikasyon ng dayaan.
Kaugnay nito ay pinayuhan ni Guia ang kampo ni Sen. Bongbong Marcos na ikumpara ang undervotes sa katatapos na eleksyon, sa undervotes ng mga nakaraang eleksyon upang makita kung mayroon itong bearing sa resulta.
By Katrina Valle | Allan Francisco (Patrol 25)