Naghahanda na ang White House para sa napipintong US government shutdown.
Kasunod ito ng pagharang ng isang senador sa Spending Bill para magkaroon ng mabilisang botohan sa naturang Compromise Bill na kinabibilangan ng isang major budget deal.
Ayon sa isang opisyal ng Office of Management and Budget, naghahanda na sila sa aniya’y lapse in appropriations kasabay ang panawagan sa mga mambabatas na kaagad dalhin kay US President Donald Trump ang itinuturing na Stopgap Spending Bill bago mag-hatinggabi.
Tila nawawalan na ng pag-asa ang mga otoridad na maihahain pa ang naturang panukala dahil ilang oras na lamang bago matapos ang kasalukuyang federal funding.
Ang nasabing bill na nag i-extend ng government funding ng anim (6) na linggo at nagtataas sa federal debt ceiling ay sagot sa nararanasang krisis sa pondo ng US government sa gitna na din napipintong kampanya para midterm elections dito sa Nobyembre.