Nilinaw ni White House Press Secretary Jen Psaki na wala umanong planong bumisita si US President Joe Biden sa Ukraine.
Kasunod ito ng pag-aakala ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na bibisita si Biden upang makipag-pulong matapos ipasara ang US Embassy sa Kyiv dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Psaki, posibleng high-ranking officials ang ipadala sa Ukraine gaya nina Secretary of State Antony Blinken at Defense Secretary Lloyd Austin.
Dagdag pa ni Psaki na umaasa ang America na muling bubuksan ng Ukraine ang US Embassy sa Kyiv.